Bersamin Executive Secretary Lucas Bersamin

Malakanyang suportad pagsampa ng kaso vs Leonardo

Chona Yu Oct 14, 2024
110 Views

SUPORTADO ng Palasyo ng Malakanyang ang pagsasampa ng kaso laban kay dating National Police Commission (Napolcom) commissioner Edilberto Leonardo.

Ito ay matapos madawit si Leonardo sa pagdinig sa House of Representatives Quad Committee na nag-utos na patayin si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary Wesley Barayuga at tatlong Chinese drug convicts.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi mag-aatubili ang Palasyo na suportahan kung sasampahan ng kasong kriminal o administration si Leonardo.

Pero ayon kay Bersamin, ipauubaya na muna ng Palasyo ng Malakanyang sa Department of Justice o sa Office of the Ombudsman ang pagpapasya kung kakasuhan si Leonardo.

“The Palace will support the filing but will leave the decision to file entirely to the DOJ or Ombudsman,” pahayag ni Bersamin.

Si Leonardo ay inakusahan ni PNP Police Detection and Enforcement Group Lt. Colonel.Santi Mendoza na nag utos na patayin si Barayuga noong 2020.

Ayon kay Mendoza, si Leonardo umano ang nagbigay ng description ng sasakyan at plaka ni Barayuga para ito patayin paglabas ng opisina.