PBBM

Malaking ambag sa pagtugon sa kalamidad binigyang kilala ni PBBM

Chona Yu Dec 14, 2024
106 Views

BINIGYANG pagkilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbongo” Marcos Jr. ang mga natatanging indibidwal at institutsyon na malaki ang naiambag sa pagtugon sa kalamidad sa bansa o ang disaster risk reduction management (DRRM)

Sa ikaapat na Gawad KALASAG National Awarding Ceremony sa Pasay City, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi matatawaran ang kanilang serbisyo para masiguro lamang na ligtas ang bawat Filipino.

“Tunay pong ipinapakita ninyo ang pagmamahal at pakikipag-kapwa. At sa gitna ng mga hamon sa buhay, pinili ninyong maglingkod sa inyong komunidad para sa ating mga kababayan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Courageous, compassionate, and determined—our selfless volunteers faced strong currents to rescue those in need; you are the innovators who pioneered new technologies for disaster preparedness, organizations that championed people participation for a more [transformative] DRRM strategies, and decision-making that is ensured that every plan is done properly and is executed efficiently,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Kabilang sa mga ginawaran ni Pangulong Marcos ang mga estuydanteng sina John Niño Suarez at Emer Jhune Donaire na bagamt walang sapat na training sa water rescue ay nagpakitang gilas para iligtas ang nalulunod na biktima.

“Tunay na kapuri-puri ang pinakita nilang tapang at karapat-dapat na tawagin sila bilang bayani,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Kinilala rin ni Pangulong Marcos ang naging ambag ni Rafael “Paeng” Valencia para sa innovative policies, technological advancements, at transformative strategies on climate change at Disaster Risk Reduction Management (DRRM).

kabilang sag inaw ani Valencia ang pagbuo ng 911 On Call Incorporated; ang Pailaw at Pabahay Program at iba pa.

si Valencia rin ang gumaw ang inisyatibo na mobile vaccination sa mga liblib na barangay.

“Ang kaniyang serbisyo ay nagsisilbing patunay na kapag pinagsama ang pagka-malikhain at malasakit sa kapwa, nagbubunga ito ng makabuluhang pagbabago para sa ikabubuti nating lahat” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Dahil dito, kaisa ko ang sambayanang Pilipino sa pagsasaludo at pagkikilala sa inyong mahahalagang kontribusyon at tagumpay. Maraming salamat sa inyong sakripisyo, sa inyong pagsusumikap, at sa inyong dedikasyon,” dagdag ng Pangulo.