Calendar

Malaking bahagi ng Gabinete pinanatili sa pwesto ni PBBM
PINANATILI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang malaking bahagi ng kanyang mga opisyal sa Gabinete bilang bahagi ng patuloy na “recalibration” o muling pagsasaayos ng administrasyon.
Ipinahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang press briefing sa Malacañang nitong Martes ang ikatlong bahagi ng tinatawag na “bold reset” kasabay ng performance evaluation ng mga opisyal.
Kabilang sa mga opisyal na hindi tinanggap ang pagbibitiw at mananatili sa puwesto ay sina: Kalihim ng Agrikultura Francisco Tiu Laurel Jr.,
Kalihim ng Repormang Pansakahan Conrado Estrella III,
Kalihim ng Edukasyon Juan Edgardo Angara,
Director-General ng TESDA Jose Francisco Benitez,
Kalihim ng Paggawa Bienvenido Laguesma,
Kalihim ng Kagalingang Panlipunan Rex Gatchalian,
Kalihim ng Kalusugan Teodoro Herbosa,
Kalihim ng Kagawaran para sa Manggagawang Mandarayuhan Hans Leo Cacdac,
Kalihim ng Agham at Teknolohiya Renato Solidum Jr.,
Kalihim ng Turismo Christina Frasco,
Kalihim ng ICT Henry Aguda,
Kalihim ng Transportasyon Vince Dizon,
Kalihim ng DPWH Manuel Bonoan,
Punong Tagapayo sa Legal ng Pangulo Juan Ponce Enrile,
Kalihim ng PMS Elaine Masukat,
Chairman ng MMDA Romando Artes,
Chairman ng MinDA Leo Tereso Magno,
Presidential Adviser for Mindanao Concerns Antonio Cerilles,
Komisyoner ng BIR Romeo Lumagui Jr.,
Komisyoner ng Customs Bienvenido Rubio, at
Pambansang Ingat-Yaman Sharon Almanza
Binigyang-diin ni Bersamin na patuloy pa rin ang pagsusuri sa performance ng mga opisyal, kabilang ang mga hindi kabilang sa Gabinete.
“Kung dugo ang hinahanap niyo, may dugo pa,” ani Bersamin.
“Tuloy-tuloy ang aming masusing pagsusuri… ito ay isang malawakang evaluation na isinasagawa ng Pangulo at ng kanyang napiling panel.”
Bagong pinuno ng SEC
Itinalaga rin ng Pangulo si Francis Lim bilang bagong Chairperson ng Securities and Exchange Commission (SEC) kapalit ni Emilio Aquino, na matatapos ang termino sa Hunyo 5, 2025.
Si Lim ay dating Pangulo at CEO ng Philippine Stock Exchange at kasalukuyang senior partner sa ACCRALAW.
Iba pang pagbabago
Tinanggap din ng Pangulo ang courtesy resignations nina: Maynardo Sabili, Chairperson ng Presidential Commission for the Urban Poor, Terrence Calatrava, Presidential Assistant for the Visayas at Almarim Tillah, Presidential Assistant on Muslim Affairs
Kinumpirma rin ni Bersamin na mananatili si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa puwesto hanggang sa kanyang opisyal na pagtatalaga bilang Permanent Representative ng Pilipinas sa United Nations sa Agosto 1, 2025, matapos maaprubahan ng Commission on Appointments.
Itatalaga si Ma. Theresa Lazaro bilang kapalit niya simula Hulyo 31.
Naunang humiling si Marcos sa lahat ng miyembro ng Gabinete na magsumite ng kanilang courtesy resignation matapos ang halalan noong 2025 upang muling ihanay ang mga layunin ng administrasyon.
Ilang pinanatiling opisyal: Executive Secretary Lucas Bersamin.
Trade Secretary Maria Cristina Roque,
Finance Secretary Ralph Recto,
Budget Secretary Amenah Pangandaman,
Economic Secretary Arsenio Balisacan,
Special Assistant to the President for Investments and Economic Affairs Frederick Go,
Interior Secretary Jonvic Remulla,
Justice Secretary Jesus Crispin Remulla,
Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr.,
Paglipat at bagong talagang opisyal: Raphael Lotilla: mula DOE, inilipat sa DENR
Jose Rizalino Acuzar: dating Kalihim ng DHSUD, ngayon ay Presidential Adviser for Pasig River Development
Ramon Aliling: bagong Kalihim ng DHSUD
Noong nakaraang linggo, pinalitan na rin sina Menardo Guevarra (SolGen) at Popoy De Vera (CHED Chairperson).