BBM2

Malaya Lolas tulungan — PBBM

110 Views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na tulungan ang mga Malaya Lolas, o mga biktima ng sexual slavery noong panahon ng pananakop ng mga Hapon noong World War II.

“Government agencies concerned are formulating a comprehensive response to the CEDAW committee and will submit this within the required period. We commit to undertaking measures and finding ways to help them live better lives as an expression of our continued deep solidarity with them and of our utmost respect,” sabi ng Pangulo.

Nauna rito ay inilabas ng UN Convention on the Elimination of Discrimination Against Women (CEDAW) ang isang ulat na nagsasabing nabigo ang gobyerno na tulungan ang mga comfort women sa paghahain ng claim sa Japan.

Ayon sa Pangulo kinikilala ng administrasyon ang “grave atrocities” na sinapit ng mga kababaihan noong WW2.

“We honor their indomitable spirit and dignity in taking this important cause forward through these years,” ani Pangulong Marcos.

“I wish to underscore that the Administration upholds the primacy of human rights and values the well-being of all Filipino women and girls. We strongly uphold women’s rights and push for gender equality as inscribed in our national laws, our treaty obligations especially under the CEDAW, and other international human rights instruments,” dagdag pa ng Pangulo.