Ortega House Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V

Malinaw sa survey: Mga Pinoy tutol kay Duterte, China; suportado si PBBM, Team Pilipinas

31 Views

BATAY sa survey, malinaw ang mensahe ng mga Pilipino na kanilang pinapaboran ang pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at hindi ang malalim na ugnayan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng China.

Ayon kay House Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V, pinatutunayan ng resulta ng pinakabagong survey ng OCTA Research na mas maraming Pilipino ang sumusuporta sa administrasyong Marcos kaysa sa kampo ng mga Duterte at kanilang mga kaalyado.

Sinabi ni Ortega na hindi na lang ito simpleng labanan ng mga personalidad—ito ay tunggalian sa pagitan ng Team Pilipinas at Team China.

“This survey confirms that Filipinos are firmly standing with Team Pilipinas, rejecting leaders who have compromised the nation for China—whether by surrendering our rights in the West Philippine Sea or enabling the unchecked rise of Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) controlled by Chinese interests,” ani Ortega.

Batay sa Tugon ng Masa survey na isinagawa ng OCTA mula Enero 25 hanggang 31, 36% ng mga Pilipino ang sumusuporta kay Marcos, habang 18% lamang ang pumapanig kay Duterte.

Samantala, 26% ang hindi sumusuporta sa alinman, at 8% ang pabor sa oposisyon.

Binigyang-diin ni Ortega na sa ilalim ng panunungkulan ni Duterte, humina ang posisyon ng Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea, dahilan upang mapalawak ng China ang presensyang militar nito at hindi pagkilala sa 2016 Arbitral Ruling.

Ayon kay Ortega, hindi lang ito usapin ng soberanya—mas lumalim ang ugnayan ni Duterte sa China sa pagpayag nito na lumaganap ang operasyon ng POGO, kung saan marami ang nasangkot sa ilegal na aktibidad, money laundering, at organized crime na kinasasangkutan ng mga Chinese.

“Duterte’s loyalty to China wasn’t just about the West Philippine Sea—it extended to POGOs, which became hubs for crime, human trafficking, and corruption. The damage his administration caused is still being cleaned up today,” ani Ortega.

Dahil dito, mas pinili ng mga Pilipino na suportahan si Marcos, na nagpakita ng mas matatag na paninindigan sa usapin ng soberanya at nagpapatupad ng malawakang crackdown laban sa mga ilegal na POGO operations na lumakas sa panahon ni Duterte.

“President Bongbong Marcos is standing up for the country. He is defending our waters, going after illegal POGOs, and cutting off China’s backdoor influence. That is why Filipinos are with Team Pilipinas, not Team China,” pahayag ni Ortega.

Dahil sa resulta ng survey kung saan halos two-thirds ng mga respondent ang hindi na sumusuporta kay Duterte, sinabi ni Ortega na pinatutunayan nito ang isang malinaw na katotohanan—mas nais ng mga Pilipino ang mga lider na tunay na nagtatanggol sa bayan, hindi ang mga inuuna ang interes ng dayuhan.

“The people have spoken. The Duterte era is over. Team Pilipinas is moving forward,” dagdag pa niya.