Calendar

Malnutrisyon lalabanan ni Mayor Aguilar
DESIDIDO si Las Piñas City Mayor-elect April Aguilar na labanan ang malnutrition sa mga kabataan.
Mahigit 800 mga bata ang nakinabang sa feeding program ng Las Piñas City Nutrition Office sa CAA Narra Covered Court sa BF International na ayON sa programa ni Mayor April Aguilar at Vice Mayor-elect Mel Aguilar na mapanatiling malusog ang mga bata.
Pumila ang mga bata upang makakuha ng isang tasa ng arroz caldo na may itlog na personal na ipinamahagi ng mga city staff at volunteers.
Maging si Mayor April Aguilar tumulong din sa distribusyon ng mga arroz caldo upang matiyak na masustentuhan ang nutrisyon at maayos na kalagayan ng kalusugan ng mga batang nasa laylayan ng lipunan.
Ayon sa mauupong alkalde ng La Piñas, ang naturang programa isa lamang sa mga hakbang ng lokal na pamahalaan para mapabuti ang kalusugan ng mga bata habang nakabakasyon ang eskwela.