Calendar
Mambabatas nababahala sa ayuda ng senador sa mga guro
NAGBIGAY ng pahayag ang isang mambabatas ukol sa ulat na hinihikayat umano ang mga guro sa isang lungsod sa Metro Manila na tumanggap ng personal na ayuda diumano mula sa isang senador.
Sa kanyang pahayag, nagpahayag ng pagkabahala si Makati Congressman Luis Campos sa nasabing ulat.
Narito ang buong pahayag ni Campos:
Nakakabahala ang mga ulat na natanggap namin na hinihikayat umano ang mga teachers ng Makati na tumanggap ng personal na ayuda mula sa isang senador.
The timing of the “ayuda” distribution is disturbing. Offering money to our teachers with just a few months to go before the local election can be interpreted as an attempt to influence them as they will be performing their duties as non-partisan election officers.
Ito ay tangkang impluwensiyahan ang ating mga teachers.
Isa rin itong pag-insulto sa kanilang integridad at pagkatao. Hindi sila humingi ng tulong o ayuda. Isinama ang kanilang mga pangalan sa isang masterlist na wala nilang pahintulot.
I am fully confident that our dear teachers will not be swayed by this condemnable move. I know that they will continue to abide by the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees and will not compromise their independence and integrity.