Jennylyn

Manager ni Jennylyn: Itigil ang hate, aktres di lilipat

Vinia Vivar Jul 2, 2024
13 Views

Nagsalita na ang manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila tungkol sa hindi matigil na tsikang lilipat ang aktres sa ibang network.

Matatandaan na nagsimula ang ispekulasyon nang hindi makasama si Jen sa latest GMA Station ID.

Nabahala ang kanyang mga tagahanga at panay ang tanong nila kung aalis na ba ang aktres sa Kapuso network.

Lalo pang lumaki ang issue nang pati ang asawa ni Jen na si Dennis Trlllo ay nadamay dahil sa tanong ng fan sa TikTok kung lilipat na ng ABS-CBN ang kanyang wifey.

Ang sagot ng aktor ay “may ABS pa ba?” na talaga namang pinagpistahan sa social media at katakut-takot na pangba-bash ang inabot ng mister ni Jen.

It turns out na na-hack ang TikTok account ni Dennis base na rin sa ni-release na statement ng Aguila Entertainment na siyang namamahala sa career ng aktor.

Tungkol naman sa transfer issue ni Jen, to set the record straight, sinabi ni Tita Becky sa kanyang latest Facebook post na walang balak lumipat ang aktres at mananatili itong loyal Kapuso artist hangga’t kailangan siya ng istasyon.

“I just want to clarify to those who keeps on insinuating re the issue of network transfer that Jennylyn is a loyal artist of GMA and will always remain loyal for as long as her mother network wants her to stay,” pahayag ni Tita Becky.

Ipinaliwanag ng manager na kaya wala si Jen sa GMA Station ID ay hindi pumuwede ang aktres sa araw ng shoot at kinumpirmang nakatanggap ng imbitasyon ang kanyang alaga.

“She was absent from the station ID simply because she was unavailable that day. Rest assured GMA extended an invitation to her, which we very much appreciate,” paglilinaw pa ng veteran manager.

In-address din niya ang TikTok issue ni Dennis at sinabing hindi ang tipo ng aktor ang magsasalita ng insensitive comments, lalo na nga sa pinanggalingan niyang network.

“As for Dennis’ alleged comments on Tiktok, it was not him. Dennis is a very humble and respectful and known to be a man of few words. He is not the type who would release comments that are insensitive to others most specially to his former colleagues in ABS-CBN where he was first launched via Star Circle. His account was hacked yesterday as what our official statement said,” paglilinaw ni Tita Becky.

“Hope these clears everything. We appeal to the public to stop spreading hate and false accusations online. Thank you,” pagtatapos ng founder ng Aguila Entertainment.