PCSO

Mananaya sa Pasig tumama ng P42.9M

91 Views

ISANG mananaya sa Pasig City ang tumama ng P42.9 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 sa bola noong Hulyo 17.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Caniogan tumaya ang nag-isang nakakuha ng winning number combination na 31-13-10-37-34-18.

Nanalo naman ng tig-P32,000 ang 24 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P1,000 naman ang 1,476 mananaya na nakaapat na numero at tig-P30 ang 27,413 mananaya na nakatatlong numero.