BBM1

Mangingisdang Pinoy hindi haharangin ng China

200 Views

HINDI umano haharangin ng China ang mga mangingisdang Pilipino na pupunta sa pinag-aagawang West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mayroong kasunduan ang Pilipinas at China kaugnay ng pangingisda sa WPS.

“Actually, I don’t know how the word partnership started to be used. It’s really an agreement that you will…that China will not stop our fishermen from fishing,” ani Pangulong Marcos.

“They (China) will continue to allow our fishermen to fish in the fishing grounds that they have been to, they have used for many generations. That’s it. It’s that simple,” sabi pa ng Pangulo.

Si Pangulong Marcos ay pumunta sa China noong Enero 3 hanggang 5 at kanyang ipinahayag ang hinaing ng mga mangingisdang Pilipino kay Chinese President Xi Jinping.