Calendar

Manifesto of Support
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa.
Sana ay nasa ligtas at maayos kayong kalagayan, lalo na sa mga suki natin sa Japan Oman at Saudi Arabia.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Roana San Jose, Yoshiko Katsumata, Tata Yap Yamazaki, Mama Aki , La Dy Pinky, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, , Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata, ang laging nakaalalay sa mga kababayan natin diyan sa Japan.
Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at Saudi Arabia.
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)
****
PUSPUSAN na ang ginagawang pangangampanya ng mga kandidato lalo na ang mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Hangad syempre nila ay marami sa kanilang mga kandidato ang manalo sa Lunes, Mayo 12.
Pero sa tingin natin, mas matindi ang magiging labanan sa Senado.
Diyan kasi lilitisin si Vice President Sara Duterte.
Gusto syempre nila ay kontralado nila ang Senado.
Ang 24 na senador ang magsisilbing senator-judges sa impeachment trial ni Inday Sara.
Kung hindi matapos ng 19th Congress ang kaso ay baka magtuloy-tuloy ito hanggang sa 20th Congress.
Kaya nga mahalaga na pulos pro-impeachment senators ang manalo sa darating na eleksyon.
Kung hindi, baka hindi pa nagsisimula ang impeachment trial ay patay na ito.
Hindi malayong mangyari ito kung may mga anti-impeachment sa mga kandidatong tinutulungan ngayon ng administrasyon.
Sa palagay natin ay hindi katanggap-tanggap ito sa mga kongresista na nagsulong nito sa Mababang Kapulungan.
Naghirap silang bumuo ng mga reklamo laban kay Inday Sara tapos ay ibabasura lang ng senators-judges.
Masakit ito sa mga miyembro ng Kamara de Representante. Kaya dapat kumilos na ang mga pro-impeachment groups para gumawa ng isang “Manifesto of Support” na dapat isulong ng lahat ng administration-backed candidates.
Sa “Manifesto of Support” ay isa-isahing ilista ang lahat ng issues na mahalaga sa administrasyon.
Dapat suportahan ng mga kandidato ang isinusulong na pagpapatalsik kay VP Sara at patuloy na pagkontra sa aggressive acts ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Marapat lamang na ang paninindigan nila ay naaayon sa sa mga programa ng gobyerno ni Pangulong Marcos.
At unfair ito sa mga kandidato na tapat kay Pangulong Marcos pero wala sa tinatawag na “Magic 12.”
Masakit ito sa mga pro-administration candidates.
Kaya gawin na ang manifesto para ilabas sa mga diyaryo at telebisyon bago ang araw ng halalan.
Ang mga ayaw pumirma, ilaglag na!
***
Matatapos na ang pangngampanya sa Biyernes, Mayo 10.
Pero sa mga kanayunan, dito na magsisimula ang tinatawag na gapangan.
Ang mga kandidato at ang kanilang mga alagad ay maggu-guwardiyahan.
Kasi siguradong sa Sabado at gabi ng Linggo ang bilihan nang boto.
Kaya dapat alerto ang mga taga-Comelec at PhilippineNational Police (PNP).
At baka dito pa magkasakitan ang mga supporter ng mga kandidato.
Huwag naman sana!