Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
CAAP

Manila control tower ininspeksyon ng CAAP chief

Jun I Legaspi Feb 4, 2025
93 Views

NAG-inspeksyon si Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Captain Manuel Antonio Tamayo sa Manila control tower at mga radar facilities bilang pagpapakita ng dedikasyon ng CAAP para sa mahusay na air traffic.

Binigyang-diin ni Tamayo ang mahalagang papel ng mga air traffic controller sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga flight at masigurong maayos ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pinuri niya ang dedikasyon ng mga empleyado ng CAAP, lalo na sa panahon ng masamang lagay ng panahon.

Nangako siyang pagbubutihin pa ang imprastraktura ng air traffic management.

Ang inspeksyon kasabay ng patuloy na pagsisikap ng Pilipinas na pahusayin ang air traffic surveillance, kabilang ang pakikipagtulungan sa mga global partners sa pagmamanman ng paggalaw ng mga sasakyang panghimpapawid.