Calendar
Manila cops tutok sa checkpoint para sa gun ban
TULUY-tuloy ang pagpapatupad ng checkpoint para ipatupad ang gun ban sa Binondo sa Sta. Cruz at Tondo, Manila.
Ayon kay Manila Police District Chief P/BGen. Arnold Thomas Ibay, mahalagang maipatupad ang gun ban upang mapigilan ang paglaganap ng mga insidente ng karahasan na dulot ng ilegal na pagdadala ng armas.
Sa kabila ng hindi pagsasagawa ng Oplan Katok, tututok ang mga pulis sa mga checkpoints bilang pangunahing hakbang sa pagpapatupad ng nasabing gun ban.
Dagdag pa dito, nakikipagtulungan ang mga pulis sa iba’t-ibang ahensya ng pulisya at mga barangay tanod upang tiyakin ang maayos at ligtas na pagpapatupad nito.
Ang mga motorista pinapaalalahanang sumunod sa mga checkpoint at dalhin ang kanilang mga kaukulang dokumento bilang patunay ng kanilang legal na pagdadala ng anumang gamit o sasakyan.
Sa pamumuno ni Gen. Ibay, inaasahang makakamit ang mas mataas na antas ng seguridad sa Manila.