NCAA

Mapua, Arellano umarangkada kaagad

Theodore Jurado Mar 28, 2022
299 Views

SUMANDAL ang Mapua kina Warren Bonifacio at Bryan Lacap upang talunin ang Emilio Aguinaldo College, 73-67, sa NCAA men’s basketball tournament sa La Salle Greenhills Gym kahapon.

Hangad ng Cardinals, na may solidong second round nong 2019 bago naantala ng pandemic ang kanilang pag-unlad, na makapuwesto sa Final Four.

“Sabi ko sa mga players, matagal ninyong hinintay ito, two years na. Heto na ang time ninyo,” sabi ni coach Randy Alcantara.

Nagbida sina Bonifacio and Lacap sa matinding 8-0 run ng Mapua upang basagin ang 64-64 pagtatabla at makopo ang unang panalo.

“Mabuti at nag-adjust kami, nakontrol ang mga sarili namin at nakuha ang panalo,” sabi ni Bonifacio.

Nagbuhos si Rence Nocum ng lahat ng kanyang 20 points sa first half habang nagdagdag si Lacap ng 14 points, anim rebounds at dalawang assists para sa Cardinals.

Nanguna si Kriss Gurtiza para sa Generals na may 21 points habang nag-ambag si Allen Liwag ng 16 points, walong rebounds at apat na blocks.

Sa unang laro, nalusutan ng Arellano University ang pagkawala ni Justin Arana sa huling sandali ng laro upang maungusan ang San Sebastian, 65-63.

Ang krusyal na piyesa ng Chiefs frontline, humakot si Arana ng 16 points, 15 rebounds at apat na blocks bago lumisan sa huling 1:49 mark dahil sa calf injury.

Umaasa si coach Cholo Martin na hindi seryoso ang injury ni Arana sa pagharap ng Arellano sa defending champion Letran sa Miyerkules.

“Medyo pagod na siya eh. Bumigay na yung calf niya kasi whole game siya naglalaro eh. So sana wag naman malala, kailangan namin siya eh,” sabi ni Martin.

The scores:

Unang laro

Arellano (65) — Arana 16, Sta. Ana 14, Valencia 9, Sablan 8, Doromal 7, Talampas 2, Carandang 2, Uri 2, Caballero 2, Ababstillas 2, Concepcion 1, Oliva 0, Steinl 0, Dela Cruz 0.

SSC-R (63) — Altamirano 16, Calma 13, Villapando 10, Calahat 8, Sumoda 8, Are 4, Una 2, Desoyo 2, Ra. Gabat 0, Cosari 0, Re. Gabat 0, Loristo 0.

Quarterscores: 13-14, 29-33, 45-53, 65-63

Ikalawang laro

Mapua (73) — Nocum 20, Lacap 14, Gamboa 8, Bonifacio 7, Agustin 7, Pido 5, Hernandez 5, Sual 5, Asuncion 1, Garcia 1, Mercado 0, Soriano 0, Udal 0.

EAC (67) — Gurtiza 21, Liwag 16, Taywan 13, Robin 9, Cadua 3, Fuentes 3, Umpad 2, Ad. Doria 0, Luciano 0, An. Doria 0, Cosa 0, Bunyi 0, Maguliano 0.

Quarterscores: 21-16, 32-32, 47-51, 73-67.