Calendar
Marami duda na alegasyon vs Pulong, Mans, Yang ‘totoo’
SA ginawang pagdinig ng Joint Hearing of the Quad Comm on Dangerous Drugs, Public Safety and Order, Human Rights and Public Accounts, ibinunyag ni Customs Intelligence Officer Jimmy Guban na sangkot sina Davao City First District Rep. Paolo “Pulong” Duterte, Atty. Mans Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte, at Michael Yang sa diumano’y smuggling ng P11 billion halaga ng shabu sa Manila International Container Port noong 2018.
Nauna rito, naghain din ng kasong drug smuggling si dating Senador Antonio Trillanes IV sa Department of Justice laban kina Pulong Duterte, Mans Carpio at iba pa kaugnay naman sa nahuling P6.4 billion halaga ng shabu noong 2017.
Kaugnay nito, masasabi nating maraming dapat ipaliwanag si Second Gentleman Mans Carpio. Sinabi na rin ni VP Sara Duterte na bahala si Mans na idepensa ang kanyang sarili kaugnay ng kanyang kaso.
Ayon kay VP Sara, “political harassment” ang alegasyon tungkol sa illegal drugs.
Gayunman, marami ang nagtataka sa hindi pag depensa ni Sara sa kanyang asawa, bilang depensa kay Mans, ipinanawagan man lang sana at pinanindigan ni VP na inosente at hindi kayang gawin ni Mans ang mga ganoong gawain.
Ang hindi pag-imik ni VP Sara ay hindi nakatulong sa kanyang asawa at bagkus, lalo lamang pinaigting ang pagdududa ng marami na may katotohanan ang mga alegasyon.
Ika nga ng ilang miron “calculated” daw ang galaw ni VP na para bagang may iniiwasan at pinagtatakpan.
Sabi nga ng mga kritiko ng mga Duterte “it speaks volume of the greedy and selfish principles of the Duterte family.”
Anila , ang mga Duterte daw ay sarili lamang ang pinoprotektahan. At dahil hindi naman nila kadugo si Mans Carpio, hayun iniwang palutang-lutang sa ere.
(Para sa inyong komento at sihestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.) Ni Vic Reyes