Marami na-shock sa dami ng kakandidatong artista

Aster A Amoyo Oct 9, 2024
111 Views

ArjoChavitJoloLacunaLapidLuisMannyMonsourNoraPicPic1PoeSottoTitosenVillarSA last day of filing ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga aspirants (incumbents, returnees at first timers) para sa May 12, 2025 mid-term election, humabol ang game show host, producer and businessman na si Willie Revillame na tatakbo sa pagka-senador, gayundin ang dating senador na si Kiko Pangilinan na gustong bumalik sa senado, ang nagbabalik sa pagka-mayor ng Maynila na si Isko Moreno kasama ang kanyang ka-tandem na si Chi Atienza at marami pang iba.

Tiyak na magiging masigla ang labanan sa pagka-mayor ng Maynila dahil gusto itong balikan ng incumbent mayor na si Honey Lacuna, ang dating ka-tandem ng actor-politician na si Francisco `Isko Moreno’ Domagoso na gusto ring balikan ang dating posisyon bilang mayor. Kahit natalo ang actor na si Raymond Bagatsing nung huling halalan nung ito’y tumakbo sa pagka vice-mayor ng Maynila, muli itong nag-file ng kanyang kandidatura this time sa pagka-mayor ng Maynila. Makakalaban din nila ang businessman at Tutok2Win partylist representative na si Sam Versoza na gusto ring maging mayor ng Maynila.

Marami ang ginulat ng game show host-producer na si Willie Revillame nung last minute itong mag-file sa kanyang kandidatura sa pagka-senador. Nabigla rin ang marami nang mag-file ng kanyang candidacy ang superstar at National Artist for Film and Broadcast na si Nora Aunor bilang second nominee ng bagong tatag na partylist, ang People’s Champ.

Na-shock din ang marami nang sabay-sabay mag-file ng kanilang kandidatura ang mag-iinang Vilma Santos-Recto, Luis Manzano at Ryan Christmas sa magkakaibang posisyon ng Batangas. While Vi is a political veteran, ang dalawa niyang anak na sina Luis at Ryan ay pareho pang bagito sa larangan ng pulitika.

Aasintahin din ng actress-politician na si Angelika de la Cruz ang pagiging mayor ng Malabon sa darating na halalan habang gusto pa ring manilbihang governor at vice-governor ng Bulacan sina Daniel Fernando at Alex Castro. Muli ring nag-file bilang mayor at vice-mayor ng Quezon City ang inbumbent na sina Mayor Joy Belmonte at Vice-Mayor Gian Sotto.

Gusto ring balikan nina Arjo Atayde, Aiko Melendez at Alfred Vargas ang kanilang dating position bilang kinatawan ng unang distrito ng Quezon City at konsehal sa magkaibang distrito ng QC. Pagka-konsehal din ng isang distrito ng QC ang aasintahin naman ng actor na si Enzo Pineda. Gusto ring manatiling konsehal si Angelo de Leon sa unang distrito ng Pasig. Pagiging konsehal din ng magkaibang distrito ng Pasig ang tatakbuhan ng 2011 Miss Universe 3rd runner-up at National Director ng Miss Universe Philippines na si Shamcey Supsup-Lee at Ara Mina . Muling tatakbo sa ikatlong termino ang magka-tandem na Vico Sotto at Dudut Jaworski bilang mayor and vice-mayor ng Pasig.

Ang iba pang mga kandidato na gustong bumalik sa Senado ay sina Sen. Bong Revilla, Sen. Lito Lapid at mga dating senador na sina Tito Sotto, Panfilo `Ping’ Lacson, Bam Aquino, Gregorio `Gringo’ Honasan, Manny Pacquiao at Kiko Pangilinan. First time namang kakandidato sa pagka-senador sina Willie Revillame at Phillip Salvador at balik din sa pulitika ang businessman at dating politician na si Luis `Chavit’ Singson. Kandidato rin ang actress-comedienne na si Cai Cortez sa pagka-konsehal ng Taytay, Rizal. Naghain naman ng kanyang kandidatura sa pagka-gobernardo ng Laguna ang actor-politician na si Dan Fernandez habang ang kanyang magkaka-tandem bilang vice-governor ay ang dating “That’s Entertainment” member na si Gem Castiilo-Amante.

Sa unang pagkakataon ay papasukin na rin ang pulitika ni Michael Pacquiao, ang second son ng People’s Champ at dating senador na si Manny Pacquio na tatakbo sa pagka-konsehal ng Gen. Santos City. Partylist representative naman ang tatakbuhan ng panganay ni Sen. Grace Poe na si Brian Llamanzares bilang first nominee sa bagong tatag na partylist, ang FPJ Panday Bayanihan. Babalikan din ng actress at dating politician na si Marjorie Barretto ang kanyang pagiging konsehal ng Caloocan City. First-timer naman sa pulitika sina Abby Viduya at Yeoj Marquez na parehong tatakbo sa pagka-konsehal ng unang distrito ng Paranaque. Last term na ng mister ni Abby na si Jomari Yllana maging si Vandolph Quizon kaya sina Abby at Yeoj ang papalit sa kanila.

Kakandidato naman sa pagka-vice mayor ng Makati ang dating kinatawan ng Makati, ang actor at Taekwondo champion na si Monsour del Rosario.

Gusto namang bumalik sa kanilang dating mga posisyon ang magkakaanak na sina Sen. Bong Revilla, asawang si Rep. Lani Mercado, Rep. Jolo Revilla at partylist representative Brian Revilla maging ng mga kapatid ni Sen. Bong na sina Bacoor Mayor Strike Revilla at vice-mayor Rowena Bautista-Mendiola.

Other incumbent candidates include Jason Abalos (bilang Board Member ng Nueva Ejica, Ejay Falcon as vice-governor ng Mindoro, Nash Aguas bilang konsehal sa isang distrito ng Cavite), JC Parker as councilor ng Angeles City na papasukin din ng baguhang si Aljur Abrenica at iba pa.

Twelve senators lamang ang mahahalal sa 2025 mid-term elections pero halos dalawang daan ang kandidato na tiyak na sasalain pa ng COMELEC dahil marami sa mga ito ay maku-consider na nuisance candidates o mga panggulo lang. Nasa 190 naman ang nag-file for partylist representing various sectors.

Sana lamang ay maging mapanuri ang mga botante at hindi makuha sa pera, popularity, matatamis na dila at mga pangako ng mga kandidato.

Red carpet premiere ng ‘Mujigae’ tagumpay

MujigaeMujigae1Mujigae2NAGBUKAS kahapon, araw ng Miyerkules, October 9, 2024 ang family drama with a Korean touch movie na “Mujigae” (Korean word for rainbow) which was partly shot in South Korea dahil ito’y kuwento ng isang batang Kopino (Korean-Pinoy) na si Mujigae (played by child star Ryrie Sophia) na ang ama ay isang Korean habang Filipina naman ang kanyang ina. Ipinagbubuntis pa lamang si Mujigae ng kanyang ina na si Rainalyn (Anna Luna) sa Korea ay tinalikuran na ito ng kanyang Korean father (Kim Ji-soo)

Mujigae was five years old nang sumakabilang-buhay ang kanyang ina na may terminal cancer. Si Mujigae ay kinuha sa Korea ng kanyang maternal grandfather played by Richard Quan at dinala sa Pilipinas para alagaan ng isa pa niyang anak na si Sunny na ginampanan ni Alexa Ilacad.

Sa simula ay walang amor si Sunny sa kanyang pamangkin at ayaw niya itong alagaan. Growing up ay may kinikimkim nang sama ng loob si Sunny dahil iniwan siya at ng kanyang ama ng kanilang ina at nakatatandang kapatid na na si Rainalyn na siyang ina ni Mujigae. Walang alam si Sunny na may communication na pala ang kanyang ate at ang kanilang ama.

Si Sunny ay nagta-trabaho sa isang parlor. Isang araw ay lumipad patungong South Korea ang ama ni Sunny para bisitahin ang kanyang may sakit na anak na panganay hanggang ito’y pumanaw. Bitbit nito ang urn ng anak maging ang kanyang apo na bumalik ng Pilipinas.

Struggle ang naging relasyon ng magtiyahing Sunny at Mujigae at ramdam ng bata na hindi siya mahal ng kanyang tita at walang keber si Sunny kung ano ang mangyari sa kanyang pamangkin bagay na inalmahan ng kanyang ama. There was even a point na gusto niyang ipaampon sa iba ang kanyang pamangkin na tinutulan ng kanyang ama.

Bitbit ni Mujigae ang kanyang iPad galing Korea kung saan madalas na pinapanood ng bata ang mga happy moments nila ng kanyang ina nung ito’y nabubuhay pa. Madalas ding makita ni Sunny na umiiyak ang kanyang pamangkin dahil sa pangungulila nito sa kanyang namayapang ina at pinagkaitan pa niya ng pagmamahal.

Sa pagdaan ng panahon ay unti-unting lumambot ang puso ni Sunny sa kanyang pamangkin hanggang maging super close ang dalawa to a point na parang anak na ang turing ni Sunny kay Mujigae at Mama 2 na ang tawag sa kanya ng bata.

Kung kelan sobra nang nahulog ang loob ni Sunny sa kanyang pamangkin ay saka naman dumating ang absentee Korean father (na ginampanan ng K-drama actor na si Kim Ji-soo (Ji Soo) para kunin ang kanyang anak na si Mujigae. Humingi ito ng tawad sa pamilya ng kanyang namayapang Filipina girlfriend na si Rainalyn at ina ni Mujigae. At first ay nagkaroon ng resistance si Sunny at ang kanyang ama na ibigay sa biological Korean father ang bata na siyang may karapatan kay Mujigae.

Hindi gaanong mahaba ang role na kinampanan ni Ji Soo pero ito’y markado. Lumabas na lamang ang kanyang character sa latter part ng movie.

Magaling umarte ang batang si Ryrie Sophia considering na first movie niya ito. May lalim na rin ang acting ni Alexa. Agaw eksena naman ang papel ni Rufa Mae Quinto who plays the role of a barangay captain in a special role. Ang pelikula ay tinatampukan din nina Kate Alejandrino, Donna Cariaga, Cai Cortez, Roli Inocencio, Lui Manansala at Peewee O’Hara. Ito’y mula sa panulat ni Mark Raywin Tome at direksiyon ni Randolph Longjas under UxS (Unitel x Straightshooters). Ang nasabing pelikula ay palabas ngayon sa lahat ng SM Cinemas nationwide.

Samantala, naging matagumpay ang red carpet premiere ng pelikulang “Mujigae” na ginanap sa Cinemas 3-4-5 ng SM Mall of Asia last Monday evening. Namataan namin doon ang award-winning actor ng “Gom-Bur-Za” na si Cedric Juan.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.