BBM2

Maraming trabaho malilikha ng investment ng Chinese businessmen

190 Views

Lilikha umano ng maraming trabaho ang mga nasungkit na pangakong investment ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa mga negosyanteng China.

“It’s certainly going to produce many, many jobs, when the investments come into play, when they start their operations,” ani Pangulong Marcos. “Mag-uumpisa pa ‘yan sa training… capacity building— doon sa magiging empleyado nila… that will be starting very soon.”

Umabot sa $22.8 bilyon ang investment pledge na nasungkit ng Pangulo sa kanyang state visit sa China.

“Nagbukas na sila ng mga opisina, kumukuha na sila ng mga permit. ‘Yung mga iba na nakakuha na ng permit, inumpisahan na nila ‘yung mga construction. So that is included in that number,” sabi ni Pangulong Marcos.

“But there are other areas na medyo bago-bago, kagaya ng sa processing ng minerals at saka sa battery production at saka sa electric vehicle production. Ito bago lahat ito. Kaya’t siguro, kailangan natin pa ipakita sa kanila na mga Chinese, potential Chinese investors, na maganda mag-invest sa Pilipinas,” dagdag pa ng Pangulo.