Socc Bienve Marañon: target na kunin para sa Philippines U23 squad sa Southeast Asian Games men’s football competitions sa Vietnam. PFL photo

Marañon, Hartmann target ng Azkals

Theodore Jurado Mar 12, 2022
324 Views

PIPILITIN ng Philippines na mapalakas ang kanilang scoring options para sa U23 squad na sasabak sa Southeast Asian Games men’s football competitions sa Vietnam sa May.

Sinabi ni long-time Azkals team manager Dan Palami na hangad nilang makuha si naturalized player Bienve Marañon at Mark Hartmann upang mapunan ang striker position.

“There will be senior players,” sabi ni Palami.

Maaaring magparada ang mga bansa ng dalawang overaged players para sa SEA Games U23 competition.

Mapapaganda ang tsansa ng Philippines kung makukuha nila si Marañon, na ngayon ay nasa Malaysia Super League club Johor Darul Ta’zim, at Hartmann, na nasa reigning PFL champion

United City FC, upang ma-reinforce ang SEA Games squad at mapunan ang kakulangan sa scoring na problema nitong mga nakalipas na edisyon.

“That’s we will focus on,” sabi ni Palami.

Tampok sa Philippine U23 men’s team sa biennial meet ang all-Filipino coaching staff, kung saan isa si Norman Fegidero, na nagbigay ng isa sa mga greatest football moments ng bansa sa pag-score ng winning goal sa 1-0 upset laban sa Malaysia sa 1991, na kasama sa programa.

Sinabi ni Palami na naghahangad ang U23 Azkals na pumuwesto sa semifinals ng SEA Games sa unang pagkakataon magmula na ma-introduce ang age limit na under-23 noong 2001.

Gagawin ang traning camp ng Philippines sa Singapore at makakalaban nila ang Malaysia na bahagi ng FAS Tri-Nations Series 2022 slated ngayong buwan sa Singapore.

Magkikita ang Malaysians at Azkals sa March 23.

Itinalaga ng Philippines si coach Stewart Hall bilang technical director na layong maka-develop hindi lamang mga manlalaro kundi maging mga coaches na naka-base sa bansa.