Calendar
Marbil: Professional, apolitical ang buong kapulisan
NANGAKO si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil na magiging professional at apolitical ang buong pwersa ng pulisya na nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa 2025.
Binigyang-diin ni Marbil ang kahandaan ng PNP na tugunan ang nagbabagong pangangailangan ng pagpapatupad ng batas sa makabagong panahon.
“Ang kapayapaan at kaayusan mga haligi ng isang masaganang komunidad,” pahayag ni Gen. Marbil.
Ipinahayag niya na ang focus ng organisasyon bigyang-diin ang mga inisyatiba tulad ng pag-deploy ng mga body-worn camera, real-time crime mapping at pinahusay na mga yunit ng pagpigil sa cybercrime.
Mula sa advanced analytics sa pagpigil ng krimen hanggang sa artificial intelligence sa pagsubaybay ng mga kriminal na aktibidad, ang PNP nakatuon sa paggamit ng mga makabagong solusyon upang matiyak ang kaligtasan ng publiko,” sabi niya.
“Ang PNP haligi ng demokrasya na sumusunod sa mga prinsipyo ng katarungan, pagiging patas at paglilingkod sa kapwa bago ang sarili,” ayon sa heneral.