BBM1

Marcos admin nakipagtulungan sa Converge para palakasin Wi-Fi connectivity

296 Views

MAKIKIPAGTUKUNGAN ang Marcos administration sa Converge ICT Solutions Inc. upang mapalakas ang Wi-Fi connectivity sa bansa.

Nakipag-usap si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kina Converge founder at CEO Dennis Anthony Uy at proponent partner Thomas Pang Thieng Hwi, CEO at Executive director ng Keppel Telecommunications and Transportation Inc. sa Malacañang para sa pagpapalaki ng bandwidth ng bansa.

“I just finished a meeting with the Converge group who have tied up with the Keppel group to put in a submarine fiber optic cable from the west coast of the United States; it will connect to the Philippines and it will also connect to Singapore and Indonesia and this will again give us bigger bandwidth,” sabi ni Pangulong Marcos.

“This will give us a better communication system when it comes to all the online services that we are using globally,” sabi pa ng Pangulo.

Ayon pa sa Pangulo kasama ang Pilipinas sa Bifrost Cable System Project, isang joint undertaking ng Converge at Keppel T&T. Manggagaling ang fiber optic cable sa west coast ng Estados Unidos.

“So madadagdagan ‘yung ating bandwidth at magiging mas mabilis ‘yung ating internet. Itong usapan na ito ay naging bunga nung pagpunta ko sa Singapore… pinag-usapan namin ito kaya’t ngayon nabuo na at ilalagay nila, isasama nila ang Pilipinas doon sa kanilang mahabang fiber optic na kable na galing sa California, galing sa west coast ng Amerika, hanggang Pilipinas, hanggang Singapore, hanggang Indonesia,” paliwanag ng Pangulo.

Ang Bifrost Cable System Project ang kauna-unahang subsea cable system na magdurugtong sa Singapore at North America. Daraan ito sa Indonesia, Pilipinas at Guam.

Ang multiple fiber-paired, high-performance Bifrost Cable System din ang magiging pinakamalaking high-speed transmission cable sa Pacific Ocean sa kasalukuyan.