BBM1

Marcos itinulak produksyon ng baterya sa PH

150 Views

SA halip na ilabas sa bansa ang mga miniminang mineral para sa paggawa ng baterya, nais ng administrasyong Marcos na dito na sa bansa gawin ang produkto.

Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kakailanganin ng makabagong teknolohiya at partisipasyon ng industriya upang mangyari ito.

Sinabi ng Pangulo na sa kabila ng yaman ng Pilipinas sa mga green metal gaya ng cobalt at nickel walang pabrika na gumagamit nito para makagawa ng baterya.

“As I said, we would like to go beyond just the phase of just extracting the minerals and to actually go vertically integrate that entire activity all the way down to actual battery production,” ani Pangulong Marcos sa pakikipag-usap nito sa mga negosyante sa Amerika.

“Since battery production is now going to be or has become such an important part of our businesses with the advent again we always come across this issue with the advent of climate change and the Philippines being vulnerable to the effects of climate change,” sabi ng Pangulo.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang lokal na produksyon ng baterya ay maaari ring maging solusyon sa kinakailangang dagdag na enerhiya ng bansa.

“And the part that batteries will play in that whole system cannot be overstated. And that is why it would be very good if we could bring the industry into the Philippines,” sabi pa ng Pangulo.

“But to do that we need technology, we need of course the capital and the resources to undertake such activities. They are not small projects and so they require major funding and that again is another part of the situation that we have to deal with,” dagdag pa nito.

Itinutulak ng administrasyong Marcos ang pagpapalakas sa paggamit ng bansa ng mas malinis na renewable energy.