BBM1

Marcos kay Prabowo ng Indonesia: Congratulations

Chona Yu Feb 21, 2024
165 Views

NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Indonesian Defense Minister Prabowo Subianto matapos manalo sa presidential elections.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pagbati matapos lumamang ng husto si Subianto laban sa kanyang mga katunggali.

“My warmest congratulations to Defense Minister Prabowo on his commanding lead in the latest electoral count to be Indonesia’s next President” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pangako ni Pangulong Marcos, palalakasin pa ang ugnayan ng Pilipinas sa Indonesia sa ilalim ng bagong administrasyon.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagpapalalim ng bilateral na ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa, kasabay ng pagkilala sa Indonesia bilang isang malapit na kapitbahay at kasosyo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN.).

Binanggit din ng Pangulo ang nakatakdang pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia ngayong taon na opisyal na itinatag noong November 24, 1949.

“I look forward to deepening PH’s bilateral ties with Indonesia, a close neighbor and partner in ASEAN, most especially as we celebrate 75 years of diplomatic relations this year,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ang 72 taong gulang na dating military special forces commander ay papalit sa puwesto ni Indonesian President Joko Widodo.