BBM

Marcos: PH di makikipagtulungan sa ICC

Chona Yu Jan 23, 2024
198 Views

BANTA sa soberenya ng Pilipinas ang pagpasok ng mga miyembro ng International Criminal Court (ICC).

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ulat na dumating na sa Pilipinas ang ilang miyembro ng ICC para ipagpatuloy ang ginagawang imbestigasyon sa anti-drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ambush interview sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi makikipagtulungan ang Pilipinas sa ICC.

“Let me say this for the 100th time. I do not recognize the jurisdiction of ICC in the Philippines. I do not— I find— I consider it as a threat to our sovereignty, therefore, the Philippine government will not lift a finger to help any investigation that the ICC conducts,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pero paglilinaw naman ni Pangulong Marcos, maari namang magtungo sa bansa ang mga miymbero ng ICC bilang isang ordinaryong tao.

“However, as ordinary people, they can come and visit the Philippines pero hindi kami tutulong sa kanila. In fact, binabantayan namin sila, making sure that hindi sila— that they do not come into contact with any agency of government,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“And if they are contacting agencies of government, na sasabihin— pulis man, local government, sabihin noong— huwag niyong sasagutin, ‘yun ang sagot natin. That we do not recognize your jurisdiction, therefore, we will not assist in any way, shape or form, any of the investigations that the ICC is doing here in the Philippines,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Bukod kay dating Pangulong Duterte, kasama rin sa kaso si Senador Ronald dela Rosa dahil ang mambabatas ang naupong hepe ng Philippine National Police habang ipnatutupad ang anti-drug war campaign.