BBM

Marcos, Widodo tinalakay ang WPS

Chona Yu Jan 10, 2024
178 Views

MAINIT na pinag-usapan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Indonesian President Joko Widodo ang usapin sa South China Sea sa Joint Press Briefing sa Palasyo sa Malakanyang.

Nasa bansa si Widodo para sa tatlong araw na official visit.

“President Widodo and I had a fruitful and honest discussion on regional events of mutual interest such as the developments in the South China Sea and ASEAN cooperation and initiatives,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“And speaking of ASEAN, as founding members of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) and the Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA), the Philippines and Indonesia affirmed our insistence on the universality of UNCLOS, which sets out the legal framework that governs all activities in the oceans and in the seas,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Bukod sa South China Sea, nagkasundo din ng dalawang lider na palakasin pa ang kasalukuyang kasunduan ng Pilipinas at Indonesia.

Kabilang na ang usapin sa pulitika, seguridad, enerhiya, ekonomiya at maging ang kapayapaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

“So, today, we also recognized Indonesia’s contribution to peace and development in the Southern Philippines. As Mindanao continues to reap the dividends of peace and democracy, we hope that Indonesia will continue to extend its helping hand to building the institutions of local governance, particularly in the Bangsamoro Autonomous Region,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pinuri din ni Pangulpng Marcos si Widodo sa matagumpay na hosting sa katatapps na ASEAN Summit.