Marian

Marian excited sa bubuksan nilang resto ni Dingdong

Vinia Vivar Feb 21, 2025
14 Views

Papasukin na rin ni Dingdong Dantes ang food business dahil nakatakda siyang magbukas ng sarili niyang franchise ng Mesa Restaurant soon.

Ito ang inanunsyo ng aktor sa muli niyang pagre-renew ng kontrata bilang ambassador ng nasabing Filipino restaurant.

Sey ni Dong, pang-88 branch na ang kanyang bubuksan.

“Para sa akin, mas espesyal ang signing na ito dahil for me, it also signifies officially my inclusion do’n sa history ng Mesa as a brand. Dahil napag-usapan namin a couple of years ago, kapag tama na ang opportunity, eh, siyempre, bilang proud ambassador, eh, kailangan talagang meron akong physical evidence na parte talaga ako ng Mesa.

“So, I just wanna announce and also tell everyone na I will soon be one of the proud partners of branch 88 ng Mesa which will be announced very, very soon ang ating location,” pahayag ni Dong.

Bagama’t hindi pa sinabi ng aktor ang exact location ng kanyang restaurant, he hinted na ang gusto nila ng asawang si Marian Rivera ay malapit lang sa school ng kanilang mga anak.

“Sana malapit do’n ang mahanap natin para maging tambayan namin ni Marian ‘yun kapag nag-aantay kami,” natatawang sabi ni Dong.

Excited na nga raw si Marian sa bubuksan nilang franchise since mahilig ding magluto ang kanyang misis. Nagtanong nga raw ito kung pwede bang mag-suggest ng menu.

Ayon kay Dong, gustong-gusto niya ang menudo ni Marian kaya hopefully ay mapasama ito sa menu ng bubuksan nilang restaurant.

Aminado ang aktor na hindi pa siya nagluluto at dream niya na matututo o mag-take ng crash course on cooking.