Calendar
Marian pinaiyak ni Dingdong
Naging emosyonal si Marian Rivera nang buksan niya ang Christmas gift sa kanya ng mister niyang si Dingdong Dantes.
Makikita sa Facebook reel na ipinost ng aktres ang unboxing niya ng gift ng kanyang asawa.
Bago pa man niya buksan ang regalo na nakalagay sa isang malaking box ay kinikilig na nga si Marian dahil binasa niya muna ang note na nakalagay dito.
Nakasaad nga rito na ang laman nito ay addition to her collections.
Nang buksan ng aktres ang box ay tumambad sa kanya ang sculpture nilang dalawa na makikita sa poster ng box-office film nila na “Rewind.”
Ito ‘yung larawan na nagsasayaw silang mag-asawa at pinalilok ito ni Dingdong. Sa sobrang bigat ay hirap na hirap nga si Marian na ilabas ito from the box.
Touched na touched ang aktres habang ipinapakita sa camera ang sculpture.
“Ang ganda,” sey niya at nangilid na ang kanyang luha.
Sa caption ay labis ang pasasalamat ni Marian sa asawa. Ikinuwento niyang tumakbo siyang lumapit kay Dingdong, niyakap ito sabay-hagulgol.
“Tears of joy for this gift from my husband! I’m so thankful for the memories in this movie, reminding me of all the moments we’ve shared that I will always treasure. After nito tumakbo ako sa kanya at niyakap ko sya nang mahigpit – sabay hagulgol ARTE yarn!? Emotional lang kami na nag kakaintindihan nun. #PureLove,” Marian wrote.