Calendar
Mariing kinlaro ng opisyal ng PNP: Wala akong papel sa Tarlac POGO raid
MARIING itinanggi ni Philippine National Police Chief Directorial Staff Lieutenant General Jon A. Arnaldo ang report na siya ang nagbigay-hudyat para simulan ang raid sa isang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) firm sa Bamban, Tarlac na iniuugnay sa illegal online activities noong nakaraang Marso 13.
“I have nothing to do with the immediate service of search warrants in that Tarlac establishment. The report is incorrect and inaccurate.
I do not know who called the immediate service of the search warrants,” sinabi ng opisyal sa People’s Tonight.
Sa report ng National Capital Region Field Unit ng PNP Criminal Investigation and Detection Group, sinabi na isinagawa ang ‘top secret operation’ sa hudyat ni Presidential Anti-Organized Crime Commission Executive Director Undersecretary Gilbert DC Cruz at dating PNP chief General Benjamin C. Acorda Jr. sa pamamagitan ni Lt. Gen. Arnaldo.
Sinabi ng CIDG-NCRFU sa naturang ulat na ang tatlo ang nagbigay ng signal para sa “immediate service of the search warrants” para iligtas ang ilang Malaysian nationals.
Mga miyembro ng PAOCC, PNP-CIDG, Women and Children Protection Center, Integrity Monitoring and Enforcement Group, Intelligence Group, Anti-Cybercrime Group, Police Regional Office 1 at Cordillera Police Regional Office ang nagsagawa ng search sa 36 buildings sa loob ng Bamban compound.
Inirekomenda ng PNP ang forfeiture in favor of the government ng lahat ng structural and financial properties na na-recover sa loob ng Zun Yuan Technology, Inc. sa Sitio Pagasa, Brgy. Anupul, Bamban.
Inaakusahan ang ni-raid na firm na gumagawa ng computer-related fraud sa pamamagitan ng pagre-recruit ng mga tao mula sa China, Malaysia, Indonesia, Cambodia, Vietnam, United States at Canada.
Ngunit nagreklamo ang ilan sa mga recruits na imbes na trabaho, sila ay naging chat agents na nanloloko ng mga kliyente sa abroad para kumita ng pera via Instagram, Facebook, Telegram at iba pang social media applications, sinabi ni CIDG-NCRFU headed by Colonel George B. Buyacao Jr.
Kapag sila ay tumanggi, nakakaranas ng physical at mental abuse ang mga recruits.
Isinagawa ang raid sa bisa ng search warrant for violation of Republic Act 9208 as amended by RA 10364 o ang Anti-Human Trafficking Act at Article 267 ng Revised Penal Code otherwise known as serious illegal detention na inisyu ni Judge Hermenegildo Dumlao II ng Malolos City Regional Trial Court Branch 81.
May 208 na foreign nationals ang hinuli sa raid at ngayon ay nahaharap sa deportation at criminal proceedings.
Kabilang sa kanila ang 204 Chinese nationals.