Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
MJ

Marijuana binunot; suspek na natiklo wala

Christian Supnad Oct 26, 2025
336 Views

CAMP B/GEN. OSCAR FLORENDO, La Union – Umabot sa P7.5 milyon na halaga ng marijuana ang binunot at sinunog pero walang nahuling suspek ang mga operatiba ng pulis at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sugpon, Ilocos Sur, kamakailan.

Natagpuan sa Barangay Licungan, Sugpon, Ilocos Sur, ang mga marijuana noong Oktubre 25.

Pinamunuan ng 1st Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company (ISPMFC) ang operasyon na nagresulta sa pagkakatuklas ng pitong magkakahiwalay na taniman ng marijuana.

Natagpuan sa lugar ang 37,800 fully-grown marijuana plants na tinatayang nasa 6,100 metro kuwadradong lupain at may kabuuang halagang P7,560,000, batay sa taya ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Ayon kay PBGen. Dindo Reyes, director ng Police Regional Office 1, ipinamalas ng tagumpay ng operasyon ang dedikasyon ng mga pulis sa tungkulin.