BBM2

Marina inutusan ni Pangulong Marcos na sumunod sa global standards

Chona Yu Jan 18, 2024
161 Views

KINALAMPAG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Maritime Industry Authority (Marina) na palakasin pa ang standardization ng Philippine maritime industry para makasunod sa global standards.

Ayon kay Pangulong Marcos, pawang luma na ang marami sa rules and operations ng maritime industry sa bansa at may kakulangan sa unified system.

Sa briefing ni Marina chief Sonia Malaluan kay Pangulong Marcos sa Maritime Industry Development Plan 2028 (MIDP 2028) sinabi ni Pangulong Marcos na para maipatupad ang mga reporma sa maritime industries, kailangang unahin na gawing standard ang operasyon nito para makatalim sa international standards.

Pinaaprubahan din ni Malaluan kay Pangulong Marcos ang updated MIDP 2028 na naglalayong bumuo ng matatag at maasahang Philippine Merchant Fleet para matugunan ang sea requirements at suportahan ang national development agenda.

Kabilang sa mga core programs ang modernisasyon at expansion ng Philippine domestic shipping, promotion at expansion ng Philippine overseas shipping, modernisasyon ng Philippine shipbuilding at ship repair industry at pagtataguyod ng highly skilled Filipino at competitive maritime workforce.

Binusisi rin ni Pangulong Marcos ang mataas na singil sa cost of shipping.

Sabi ni Pangulong Marcos, masyadong mataas ang singil ng cost of shipping mula Manila patungo sa General Santos City kumpara sa shipping mula Pilipinas patungo sa Hong Kong

Tugon ng Marina, kaya mahal ang domestic shipping sa bansa dahil sa vessel size at pagpapatupad sa excise tax sa fuel at vessel quality.

“Let’s standardize and also prioritize in terms of the immediacy of some of these,” pahayag ni Pangulong Marcos.