Marites

Marites hinikayat panlaban vs abiso sa kababaihan

Chona Yu Dec 11, 2024
57 Views

HINIKAYAT ng Philippine Commission on Women ang mga “marites” o ang mga chismosa na gawing positibo ang papel sa komunidad.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni PCW chairperson Ermelita Valdeavilla na sa ito ay sa pamamagitan ng pag-rereport sa barangay kung mayroong nalalaman na karahasan laban sa mga kababaihan.

6t“Kasi po ang violence against women is a public crime. So, kapag may nakita po kayong na isang babae na binubogbog sa harap ninyo, you can actually intervene in a way that you will not put yourself in danger,” pahayag ni Valdeavilla.

Aminado si Valdeavilla na walang mekanismo ngayon kung hanggang saan maaring makialam ang kapitbahay.

“Ang mga nakaka-witness po ng ganito kailangan po silang ma-educate din at kung papaano ang pag-intervene, wala po kasi tayong protocol for intervening eh, iyon po ang isa naming isinusulong na i-educate natin ang publiko kung anong mga steps—puwede bang tumawag muna tayo doon sa hotline, pagkatapos saka tayo lalapit at hindi tayo nag-iisa lalo na kung ikaw ay teenager ‘no,” pahayag ni Valdeavilla.

“So, you have to also take care of your own self in the process. Mga kapitbahay talagang ano po ‘di ba Marites ano. So, iyong mga Marites, siguro i-positivize natin na sa salip na pag-usapan lang nila iyong kanilang mga sariling opinion, tingnan din nila ano iyong mga factors na nagpapala doon sa dynamics noong mag-asawa, kasi mayroon po talagang mga drivers of violence eh, kagaya nga noong mga paglalasing, mga pagsusugal iyong wala laging pera, pinag-aagawan ang pera o pagdidisiplina sa mga anak,” pahayag ni Valdeavilla.

Naglunsad ang PCW ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women na naglalayong tuldukan ang ano mang uri ng karahasan sa komunidad.