Maroons vs eagles Maaksyong tagpo sa UP-Ateneo game sa UAAP. UAAP photo

Maroons taob sa Eagles sa UAAP

Theodore Jurado Nov 28, 2022
351 Views

INANGKIN ng Ateneo ang nalalabing twice-to-beat na insentibo sa Final Four matapos pataubin ang defending champion University of the Philippines, 75-67, kagabi sa UAAP men’s basketball tournament.

Bumawi si Dave Ildefonso sa scoreless na first half sa pagkamada ng 15 points habang nagposte naman si reigning MVP Ange Kouame ng double-double outing na 14 points at 17 rebounds para sa Blue Eagles, na umakyat sa 10-3.

Tinapos ng Fighting Maroons ang eliminations na may 11-3 kartada at maari pang bumagsak bilang No. 2 team sa Final Four.

Nakuha naman ng Adamson ang trangko sa karera para sa nalalabing silya sa Final Four berth nang matalo ang La Salle sa sibak nang University of the East.

Naisalpak ni Jerom Lastimosa ang game-winning triple sa huling 5.5 segundo nang maungusan ng Falcons ang National University, 64-63.

Binigyan ng Red Warriors ng malaking dagok ang kampanya ng Green Archers upang makapuwesto Final Four matapos magposte ng 80-72 overtime win.

Umangat ang Adamson, na huling makakalaban sa eliminations ang Ateneo, sa pang-apat sa 7-6, habang ang La Salle, na sasagupain ang University of Santo Tomas sa Miyerkules, ay bumaba sa pang-lima sa 6-7.

Ang panalo ng Falcons laban sa Blue Eagles o ang pagkatalo ng Green Archers sa Growling Tigers ay magbibigay sa kanila ng hulingw semis spot.

Kinumpleto nf UE ang season-sweep laban sa La Salle, na winakasan ang three-game winning streak.

Tinuldukan ng NU ang kanilang kampanya sa elimination round na may 9-5 kartada at bumagsak bilang No. 3 team sa Final Four nang makamit ng Ateneo ang nalalabing twice-to-beat slot.

Iskor:

Unang laro

AdU (64) — Douanga 16, Hanapi 9, Manlapaz 8, Lastimosa 7, Yerro 4, Sabandal 4, Fuentebella 3, Jaymalin 3, Colonia 2, Barcelona 2, Manzano 2, Barasi 2, V. Magbuhos 2, Flowers 0, Torres 0.

NU (63) — Enriquez 18, Figueroa 13, John 10, Malonzo 7, Clemente 5, Tibayan 4, Yu 2, Palacielo 2, Manansala 1, Galinato 1, Minerva 0, Mahinay 0, Tulabut 0.

Quarterscores: 18-14, 33-36, 53-48, 64-63

Ikalawang laro

FEU (77) — Gonzales 15, Sajonia 11, Torres 10, Sleat 9, Sandagon 8, Alforque 7, Tchuente 7, Bautista 3, Gravera 3, Añonuevo 2, Songcuya 2, Ona 0, Tempra 0, Bagunu 0, Celzo 0, Guibao 0.

UST (62) — Lazarte 13, Faye 10, Manaytay 10, Garing 9, Laure 7, Manalang 5, Pangilinan 5, Duremdes 3, Escobido 0, Mantua 0, Herrera 0.

Quarterscores: 24-17, 40-33, 56-45, 77-62

Ikatlong laro

UE (80) — Remogat 24, K. Paranada 13, Stevens 12, Villegas 10, N. Paranada 6, Gilbuena 5, Pagsanjan 4, Sawat 4, Payawal 2, Tulabut 0, Alcantara 0.

DLSU (72) — Nonoy 14, Austria 10, Nwankwo 10, Nelle 8, Cortez 8, Macalalag 8, Quiambao 7, B. Phillips 4, Estacio 3, Abadam 0, Winston 0.

Quarterscores: 16-27, 36-33, 50-51, 68-68, 80-72
Ikaapat na laro

Ateneo (75) — Ildefonso 15, Kouame 14, Padrigao 13, Andrade 8, Koon 7, Daves 6, Gomez 5, Ballungay 4, Lazaro 3, Chiu 0, Garcia 0.

UP (67) — Tamayo 20, Alarcon 10, Cagulangan 9, Fortea 9, Diouf 7, Galinato 7, Spencer 5, Lucero 0, Abadiano 0, Ramos 0.

Quarterscores: 23-18, 35-37, 53-49, 75-67.