Jude A. Acidre

Mas maayos na kalagayan ng mga manggagawa itataguyod — Acidre

105 Views

NANGAKO si House Committee on Overseas Workers Affairs at TINGOG Partylist Representative Jude A. Acidre na itataguyod ng mas maayos na kalagayan ng mga manggagawa sa bansa.

Si Rep. Acidre ay bahagi ng delegasyon ng Kamara de Representantes sa 112th Session ng International Labour Conference na ginanap sa Geneva, Switzerland.

“Our country is committed in ensuring the protection and upholding of the rights of our labor force. We understand that there is a careful balance that needs to be struck among the government, employer and employees. But our labor policies should always bend on the side of social justice,” ani Rep. Acidre.

“Our government’s attendance to this Conference signifies our continuing commitment to uphold out international obligation,” dagdag pa nito.

Taun-taon ay iniimbitahan ang mga bansang kasapi ng International Labour Organization upang talakayin ang iba’t ibang isyu, panuntunan, at polisya upang maitaguyod ang promosyon ng pagkakaroon ng disenteng working condition at social justice para sa mga manggagawa.

Kasama sa naging agenda ng pagpupulong ngayong taon ay ang pagbibigay ng proteksyon sa mga manggagawa laban sa biological hazards.

Sa tulong ng tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sinabi ni Acidre na itataguyod ng Tingog party-list ang pagsasabatas ng House Bill No. 924 o ang Barangay Skilled Workers Registry Act; House Bill No. 1579 o ang Rationalization of Wage Levels, House Bill No. 2354 or the Magna Carta of Workers in the Informal Sector, at House Bill No. 6718 o ang Freelance Workers Act.

Ayon kay Acidre kamakailan ay natapos na rin ng Bicameral Conference Committee ang House Bill No. 7325 o ang Magna Carta for Seafarers Act.

“As policymakers, we are committed to exploring innovative ways to accurately determine the living wage, ensuring that every worker is fairly compensated for their labor and can lead a life of dignity and security,” dagdag pa ni Rep. Acidre.

Sinabi ni Rep. Acidre na unti-unti na ring nakikilala ang care economy—ang childcare, eldercare, at healthcare, kung saan maraming kababaihan ang nagtatrabaho.

“We acknowledge the significance of the care economy and are implementing various measures to improve conditions for care workers and ensure that they receive a living wage,” ani Rep. Acidre.

Ang conference ay isinagawa mula Hunyo 3 hanggang 14.