athl Yulo: Magandang halimbawa. PSC photo

Mas madaming Yulo target ng PSC

Robert Andaya Mar 5, 2022
457 Views

UMAASA ang Philippine Sports Commission (PSC) na makakatuklas pa ang bansa ng mas madaming magagaling at talentadong gymnasts, kagaya ni world champion Caloy Yulo.

Pinandigan ng PSC, sa pangunguna ni Chairman William “Butch” Ramirez, ang paniniwalang ito kasabay ng pagbubukas ng bagong Gymnastics Center sa Intramuros, Manila kamakailan.

Ang bagong facility ay magsisilbing training center ng 22-taong-gulang na si Yulo, na produkto ng Batang Pinoy at Philippine National Games programs ng PSC, at iba pang national team members..

“The PSC Board believes in our gymnasts to haul in more accomplishments in the coming years. This is why we support them in ways that our limited resources could,” pahayag ni Ramirez sa isang press statrment.

“Last year, Caloy showed the world the true grit of Filipino athletes, fighting and winning despite injuries in another championship. Our collective efforts in developing sports can produce more Caloys in the future,“ dagdag pa ni Ramirez.

“We thank Caloy for raising the bar high for Philippine gymnastics. It just proves that hard work is the key to the fulfillment of a dream. I hope he inspires more youth to pursue their dreams and motivates us to further expand our grassroots program.:

Simula pumasok ang liderato ni Ramirez sa PSC nung 2016, umabot nang P71-million ang naibifay ng government sports agency sa Gymnastics Association of the Philippines (GAP).

Ito ay para sa mga gastusin ng team aa mga international competitions, training, equipment, supplies, and iba pa.

Bukod pa dito ang mga allowances ng mga atleta, coaches at trainors, na umabot din sa P7.9 million sa taong 2021. Karagdagan pa ang P287,000 monthly salaries at allowances ng nga foreign coaches.

Samantala, nagoasalamat din si Yulo sa PSC.

“Thankful po ako sa PSC na nandyan po sila sa likod ko. Hindi ko po ito lahat magagawa kung wala po sila. Kasama po sila sa aking family, coaches, NSA at sa iba pa po na sumusuporta sa akin,” wika ni Yulo sa panayam sa weekly PSC radio show “PSC Hour” aired Fridays sa Radyo Pilipinas.