Calendar
Mas malaking budget para sa PAOCC isinusulong ni Sen. Win
ISINUSULONG ni Sen. Sherwin “Win” Gatchalian ang mas mataas na pondo para sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) para mas epektibong labanan ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
“Pinupuri ko ang PAOCC sa pamumuno sa mga sunud-sunod na raid laban sa mga POGO nitong mga nakaraang buwan.
Sa kasamaang-palad, hindi sapat ang kanilang manpower upang ipagpatuloy ang mga karagdagang operasyon,” ani Gatchalian.
Ayon kay Gatchalian, mahalaga para sa PAOCC na mapanatili ang kanilang kampanya laban sa mga POGO upang epektibong maisakatuparan ng ehekutibo ang utos ng Pangulo na ganap na ipagbawal ang mga POGO bago matapos ang taon.
“Kailangan nating maghanda para sa anumang maaaring mangyari, kabilang ang posibilidad na ang ilan sa mga POGO na ito mag-operate nang underground,” dagdag niya.
Sa kasalukuyan, mayroong humigit-kumulang 41 na internet gaming licensees (IGLs) ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).
Ayon sa ahensya, may 250 na mga POGO ang maaaring nag-ooperate pa rin ng walang lisensya at maaaring sangkot sa iba’t-ibang krimen.