House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe

Mas maraming investment sa healthcare, programa vs kahirapan inaasahan

13 Views

Sa pagtaas ng PH credit outlook 

PINURI ng mga miyembro ng Kamara de Representantes ang pagtaas sa “positive” ng credit outlook ng Pilipinas sa S&P Global Ratings at itinuring itong tagumpay ng magandang pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., at sumasalamin sa polisiyang pang ekonomiya at reporma sa pananalapi.

Iginiit ni House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ang kahalagahan ng tagumpay na ito sa ekonomiya ng bansa. “This positive outlook is glaring proof to our efforts in steering the country towards economic resilience and growth.”

“The House has been proactive in enacting legislation that fosters economic stability and growth. Our commitment to passing laws that encourage public-private partnerships has been instrumental in funding major infrastructure projects,” pahayag ni Dalipe.

Kabilang sa mga mahahalagang hakbang ng lehislatura ang Public-Private Partnership (PPP) Act, na nagtataguyod ng pagtutulungan sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor.

“These partnerships are crucial in building roads, schools and hospitals that directly benefit our communities,” paliwanag ng mambabatas.

Inaasahan na ang pagtaas ng credit outlook ay magpapababa ng gastos sa utang ng bansa, na magbibigay daan para makapaglaan ang gobyerno ng mas maraming yaman para sa mga mahahalagang serbisyo.

“With reduced interest payments, we can invest more in healthcare, education and poverty alleviation programs,” ayon kay Dalipe.

Binigyang-diin din ni Dalipe ang kahalagahan ng mga fiscal reforms sa pagkamit ng positibong pananaw na ito.

“Our efforts in fiscal consolidation and prudent economic policies have been recognized internationally, reflecting our dedication to sustainable development,” pahayag pa ng kongresista.

Muling inulit ng House Majority Leader ang matibay na suporta ng mga mambabatas sa economic agenda ng administrasyong Marcos.

“We remain committed to enacting laws that promote inclusive growth and ensure that no Filipino is left behind,” pagpapatibay pa ni Dalipe.

Kumpiyansa rin ang mambabatas ukol sa takbo ng ekonomiya ng bansa.

“This achievement is a stepping stone towards attaining an ‘A’ sovereign rating, which will further boost investor confidence and economic opportunities,” saad pa nito.

Hinimok din ni Dalipe ang lahat ng mga stakeholder na ipagpatuloy ang kanilang pagtutulungan para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

“It is through unity of purpose that we can achieve a prosperous future for all Filipinos,” ayon pa sa kongresista.