BBM1

Mas maraming trabaho, kabuhayan para sa mga Pilipino

Mar Rodriguez Apr 14, 2024
110 Views

Inaasahan sa 6th Indo-Pacific Business Forum na gaganapin sa Pilipinas

KUMPIYANSA si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na magreresulta sa pagpasok ng mas maraming pamumuhunan, trabaho at kabuhayan para sa mga Pilipino ang 6th Indo-Pacific Business Forum (IPBF) na gaganapin sa Maynila ngayong taon.

Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos sa Philippine-US Business Forum Biyernes ng gabi (US Time) sa Washington D.C., inimibitahan din ng Pangulo ang mga pangunahing negosyante sa Amerika na lumahok sa isasagawang business forum sa Mayo 21, 2024.

Ang PH-US Business Forum ay isa sa mga sideline ng makasaysayang pagpupulong sa pagitan nina US President Joe Biden, Japanese Prime Minister Fumio Kishida, at ni Pangulong Marcos, Jr.

“I am confident that the 6th Indo-Pacific Business Forum will serve as a springboard for increased investment inflows into the Philippines,” ayon kay Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

“By bringing together key stakeholders to discuss critical issues and explore collaboration opportunities, we aim to propel the country’s economic growth and development to new heights, creating more jobs and livelihood opportunities for our people,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Una na ring inihayag ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez na tinatayang nasa $100 bilyon ang pamumuhunan ang papasok sa bansa sa loob ng lima hanggang 10 taon, na bunga ng makasaysayang trilateral summit.

Ang gaganaping 6th Indo-Pacific Business Forum sa Maynila ay inaasahang dadaluhan ng may 500 business leaders, project developers, opisyal ng gobyerno , at financing sources upang talakayin ang infrastructure, supply chain resilience, critical minerals, clean energy, digital economy, mga bagong teknolohiya at inclusive trade.

Magiging katuwang naman ng pamahalaan ng Pilipinas sa 6th IPBF sa Maynila ang U.S. Trade and Development Agency (USTDA) kasama ang U.S. Department of State.

Sa naging talumpati rin ni Pangulong Marcos Jr. sa PH-US Business Forum. Tiniyak nito sa mga negosyate ng Amerika na patuloy na magsusumikap ang Pilipinas sa pagkakaroon ng investment-friendly environment, sa pamamagitan ng pagsasabatas ng Public Services Act (PSA), ang Retail Trade Liberalization Act, ang bForeign Investments Act, at ang IRR ng Renewable Energy Act.

Aniya, ang mga ipinapatupad na reporma ang nagbukas sa Pilipinas para sa sektor ng manufacturing, transportasyon, telekomunikasyon, shipping, renewable energy tulad ng wind, solar, at tidal, gayundin sa retail sector para sa dayuhang mamumuhunan.

Sinabi rin ng Pangulo na ang Executive Order 18, na nagtatag ng mga Green Lane para sa Strategic Investments na layuning pabilisin ang mga proseso at mas madaling pagtatayo at pagpapalawak ng pagnenegosyo.

Sinabi naman ni Romualdez na ang nalalapit na pagtitipon ng IPBF sa Maynila ay magpapalakas sa Pilipinas bilang business at investment hub sa Indo-Pacific Region.

Ang pagtitipon, ayon pa sa pinuno ng Kamara ay hindi lamang pagpapakita sa potensyal ng Pilipinas sa pamumuhunan kundi pagpapalakas din ng ugnayan sa pagitan ng international partners at pagpapalitan ng best practices sa iba’t ibang sektor.

“The House of Representatives will continue working hand in hand with the administration of President Marcos towards the realization of his vision for the Philippines to achieve upper-middle income economy status by the start of the next decade,” ayon kay Romualdez.

Ang IPBF ay ang nangungunang public-private U.S. government event na nagtataguyod ng kalakalan, pamumuhunan at economic cooperation sa pagtigan ng United States at mga kasosyo sa buong Indo-Pacific region.

Sa nakalipas na IPBF forum, lumahok ang nasa 8,500 participants mula sa 67 bansa.