Vergeiri

Mas mataas na buwis sa junk food itinulak ng DOH

256 Views

ITINULAK ng Department of Health (DOH) na taasan ang buwis na ipinapataw sa junk food sa gitna ng tumataas na bilang ng obese sa bansa.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang obesity ay nananatiling public health concern sa bansa.

Batay sa survey ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology nasa 27 milyong Pilipino ang overweight o obese.

Mula sa 20.2 porsyento noong 1998 ay umakyat umano ito sa 36.6 porsyento noong 2019.

Isa umano ang pagtataas ng buwis sa mga paraan na nakikita ng DOH upang mabawasan ang pagkonsumo ng junk food.