Martin2

Mas simpleng SIM Card registration iminungkahi ni Speaker Martin Romualdez

Mar Rodriguez Apr 28, 2023
186 Views

HINIHIKAYAT ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez ang Department of Information Communication Technology (DICT), National Telecommunications Commission (NTC) at Telecommunication Companies (Telcos) na magbalangkas sila ng mas simpleng SIM card registration.

Nananawagan si Speaker Romualdez sa DICT, NTC at Telcos na gawin nilang simple, mas convenient subalit mabilis na proseso ng Subscribers Identification Modules (SIM) card registration ng nasa milyon pang mga Pilipino na hindi nakakapagpa-rehistro ng kanilang SIM card.

Sinabi ng House Speaker na kailangang magkaroon ng koordinasyon o pagtutulungan ang DICT, NTC at malalaking telcos para mapadali ang proseso ng SIM card registration sapagkat sa kasalukuyan ay maraming pang mobile subscribers ang hindi nakakapagpa-rehistro.

“Let us help millions of Filipinos who have mobile phones but who still have not registered their SIMs as required by law to register. Let us make it easier for them to take advantage of the 90-days registration extension granted by President Ferdinand Marcos, Jr.,” ayon kay Speaker Romualdez.

Pinasalamatan ni Speaker Romualdez si Pangulong Marcos, Jr. dahil sa pagpapalawig nito o pagbibigay ng extensión para bigyan ng pagkakaton ang mga Pilipino na makapagpa-rehistro ng kanilang SIM card. Kabilang na dito ang mga Overseas Filipino Workers (OFW’s).

“In particular, let us assist overseas Filipino Workers (OFWs) and their families to register their mobile phones as their principal means of communicating and connecting to each other. The thought that they could instantly make audio-video calls ease the pain of being thousands of miles away from home, and from their loved ones,” sabi pa ng House Speaker.

Iminumungkahi din ni Speaker Romualdez sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) na makipagtulungan sa DICT, NTC at elcos para maabisuhan ang mga OFW’s at kanilang pamilya hinggil sa SIM card registration para hindi sila maabutan ng deadline.

“I suspect that OFW families in the provinces are finding it difficult to comply with the registration requirement. Some may be unaware of it,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.