MMDA

Mataas na multa sa hindi otorisadong paggamit sa EDSA bus lane ipatutupad sa Nob 13— MMDA

338 Views

SIMULA sa Nobyembre 13 ay ipatutupad na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapataw ng mas mataas na multa sa mga hindi otorisado na daraan sa EDSA bus way.

Sa ilalim ng MMDA Regulation No. 23-002 gagawin ng P5,000 ang multa sa mga gagamit ng bus lane/EDSA carousel para sa unang paglabag.

Sa ikalawang paglabag ang multa ay P10,000 at isang buwang suspensyon ng lisensya at pagdalo sa road safety seminar.

Sa ikatlong paglabag ay P20,000 ang multa at isang taong suspensyon ng lisensya.

Sa ikaapat na paglabag ay P30,000 multa at rekomendasyon sa Land Transportation Office na alisan ng lisensya ang drayber.