Lacuna

Mataas na rating ipinagpapasalamat ni Mayor Honey

Edd Reyes Apr 7, 2025
15 Views

NAGPASALAMAT si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga Manileño sa ipinagkaloob na mataas na pagtitiwala sa kanyang pamumuno batay sa ginawang survey sa 2,040 na mga tinanong mula Abril 2 hanggang 4.

Ayon sa alkalde, kinukumpirma lamang nito na ang kanyang pamumuno at mga ginagawa nasa wastong landas na dahilan upang tumaas pa ang kanyang hangarin na muling magsilbi ng panibagong tatlong taon.

“These ratings also burst the fake news bubble and cancel the noise from the echo chamber of our fiercest critics,” dagdag ng alkalde.

Sinabi pa niya na ang mataas na ratings na kanyang nakamit sumasalamin sa tuwirang tiwala na kanyang natatanggap sa mga Manileño.

“Nagpapasalamat po ako sa pakikipagtulungan ng mga Manileño sa Lacuna administration na nagbigay daan para maging posible ang ating mga na-accomplish na diretso sa taong mga programa at proyekto,” sabi ng alkalde.