Dalipe

Mataas na rating patunay na tama ginagawa ng Kamara

164 Views

ANG mataas na survey rating ng Kamara de Representantes ay patunay umano na naniniwala ang nakararaming Pilipino na tama ang ginagawa nito at kanilang kinikilala ang uri ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ginawa ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe ang pahayag matapos na makapagtala ang Kamara ng 56 porsyentong net performance rating sa survey ng Social Weather Station at makakuha ng 51 porsyentong approval rating si Speaker Romualdez sa survey ng Pulse Asia.

“This only means that we are doing the right thing and the people know it. This is a clear sign that people are finally appreciating the long hours of work that we all do in the House of Representatives just to make sure that we will pass laws that will benefit all Filipinos,” sabi ni Dalipe.

Naniniwala si Dalipe na ang mataas na rating na nakuha ni Speaker Romualdez ay resulta ng “first in, last out” style ng pamumuno nito na nagresulta sa mabilis na pagkakapasa ng mga mahahalagang panukalang batas.

“We have to give credit to Speaker Romualdez whose first-in-last-out brand of leadership has been a constant inspiration for all of us to go the extra mile to be able to finish our task despite seemingly insurmountable odds,” ani Dalipe.

Ang mataas na rating umano ng Kamara ay dapat na magsilbing motibasyon sa mga miyembro nito upang lalo pang magsumikap na makapagpasa ng mga batas na makatutulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga Pilipino lalo na ng mga mahihirap.

“This should remind us that we are working to serve the greater good,” dagdag pa ni Dalipe.

Bago nagsara ang sesyon noong Marso 23 ay naaprubahan na ng Kamara ang 23 sa 31 panukala na prayoridad na maisabatas ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). Karamihan ng mga panukalang ito ay nakabinbin sa Senado.