Calendar
Matagumpay na biyahe ni PBBM sa Germany, Czech Republic ipinagbunyi ni Speaker Romualdez
Bilyun-bilyong puhunan, suporta sa WPS nakuha
PINURI ni si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa matagumpay na biyahe nito sa Germany at Czech Republic na pakikinabangan umano ng Pilipinas.
Ayon kay Romualdez nagpahayag ng suporta sa Pilipinas ang mga lider ng Germany at Czech Republic sa isyu ng West Philippine Sea at nangako ng bilyong dolyar na pamumuhunan matapos maka-usap si Pangulong Marcos.
“The immensely beneficial outcomes of President Marcos’ trip to Germany and the Czech Republic starkly demonstrates the crucial rule of personal interaction between leaders of nations in enhancing bilateral relations and advancing national interest,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kongresista.
Sinabi ni Speaker Romualdez na kapwa nagpahayag ng suporta sina German Chancellor Olaf Scholz at Czech Republic President Petr Pavel sa posisyon ng Pilipinas na dapat mangibabaw ang rules-based order, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
“Aside from the official statements issued, these personal meetings between leaders serve as powerful symbols of cooperation and goodwill, sending a strong and unmistakable signal to domestic audiences and the international community alike their solid commitment to advance the common interests of their countries,” ani Speaker Romualdez.
Sa pulong nina Chancellor Scholz at Pangulong Marcos ay napag-usapan din ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at pagpapalakas ng maritime security, climate change, labor, kalakalan at pamumuhunan at ang proteksyon ng karapatan at kapakanan ng mga Pilipino sa Germany.
Umabot sa USD4 bilyon o katumbas ng P220 bilyon ang halaga ng pamumuhunan na nakuha ni Pangulong Marcos para sa Pilipinas na saklaw ng walang magkakaibang kasunduan.
Sa Czech Republic naman ay nakapulong ni Pangulong Marcos sina President Pavel at Prime Minister Petr Fiala, at ang mga lider ng Czech Parliament, Senate President Miloš Vystrčil at Speaker ng Chamber of Deputies na si Markéta Pekarová Adamová.
Bukod sa isyu ng WPS, napag-usapan din sa pagpupulong ang pagpapalakas ng kalakalan at pamumuhunan, defense sector, agrikultura, renewable energy, transport, at people-to-people exchanges.
Sinabi ni Speaker Romualdez na nasabi ni Pangulong Marcos sa mga negosyante sa Czech Republic na mamuhunan sa sektor ng IT-BPM, electronics, manufacturing, pagkain at agrikultura, automotive/electric vehicle manufacturing, at iba pa.