Matibag Nagbigay ng pahayag si NBI Director Atty.Melvin Matibag kaugnay sa nangyaring habulan at takbuhan sa loob ng Senado na kinasangkutan ng NBI agents at Senator Ronald “Bato” Dela Rosa. JONJON C. REYES

Matibag: Bato nadapa kaya nasugatan, di tinackle o wrestle

Jon-jon Reyes May 13, 2026
159 Views

BatoITINANGGI ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang alegasyon ni Senator Ronald Dela Rosa na siya daw ay tinackle o ni- wrestling ng mga ahente ng NBI Lunes ng umaga sa Senado.

“Noong nalaman niya na ise-serve sa kanya ng NBI ang warrant, dun na niya tinackle at itinulak yung dalawang agent kaya siya nakatakbo. When i checked the CCTV ang mga naka sunod sa kanya mga staff niya may dalang maleta, nakita niyo?,” ani Mantibag

“Di ko lang alam kung anong laman ng maleta. Ah pero (I) suppose damit kasi dun siya nag-stay sa Senado,” dagdag ni Matibag.

“Hanggang sa pumasok siya sa isang kwarto. Kaya hindi totoo yung sinabi niya sa floor na tinackle siya, nag-wrestling sila. Walang ganun. At kaya siya nasugatan… nadapa siya. Kitang kita nadapa siya sa stair case. Natukod niya yung kamay niya,” ani pa Matibag.