Calendar
Matteo, ipinagluto ni Sarah ng hipon sa ikalawang anibersaryo
ISANG simpleng pananghalian ng mala-sinigang na hipon ang inihanda ni Sarah Geronimo para sa ikalawang wedding anniversary nila ng mister na si Matteo Guidicelli nu’ng February 20.
Very proud itong ipinost ng aktor-host sa kanyang Instagram Story na may caption na “Anniversary lunch by @justsarahgph.”
Sa mismong araw ng kanilang anibersaryo, maikli pero sobrang sweet naman ang pagbating ginawa ni Matteo sa misis.
Kasama ng series of new pictorials nilang mag-asawa, sinabi niya na, “Through thick and thin and all the ups and downs, we will be partners for life. I love you my beautiful wife! You’re the best.”
Sakto nga ang pagpapakasal ng AshMatt sa pagsisimula ng Covid-19 restrictions sa bansa.
Kaya hindi kataka-taka na marami-rami silang bonding moments na na-share na magkasama.
Dito rin natutong mag-bake ng iba’t ibang cakes at cupcakes si Sarah na sabi nga ni Matteo sa virtual mediacon ng Sun Life Philippines kasama ang kapwa-ambassadors na sina Piolo Pascual at Charo Santos-Concio, “ang daming surprises araw-araw” mula sa Tres Leches, cookies, chocolate cake, atbp.
Kaya naman super effort si Matteo sa pag-aalaga ng katawan at kalusugan nilang mag-asawa.
Mahirap daw kasi ang konsepto ng deprivation kaya kailangan ang balanced lifestyle coupled with good choices.
Pagdating sa health at financial partner, ani Matteo, “I really rely on Sun Life for our life protection plan, for first-time insurance buyers, it’s affordable but has maximum protection. I am inspired to take care of myself so we have more time for each other. We’re celebrating our 2nd anniversary. My wife also takes care of my health.”
Health nga ang pinaka-highlight ng bagong Sun Life campaign na “Partner in Health” (Sun First Aid Plus, Sun Fit & Well Advantage at Sun ICU Protect), lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Gaya nina Piolo at Charo, bibida rin si Matteo sa ilang digital videos kung saan ibabahagi niya ang ilang leksyong natutunan sa kasalukuyang health crisis sa buong mundo. Isa na rito ang tamang pag-i-invest sa kalusugan.
Mapapanood ang mga nasabing video sa Sun Life Facebook page at YouTube channel.
Iku-complement din ang videos na ito ng “Safe Space,” isang series ng webinars on mental health in collaboration with the Philippine Mental Health Association, Inc. (PMHA).
Ang pilot stream na Love ‘em, Hate ‘em, Stress ‘em: Mental Wellness for the Family ay mapapanood sa April 9. Susundan ito ng Imperfect Balance: How Mental Wellness Bridges Work and Life sa May 14. Magtatapos ito sa June 18 sa topic na You are Worth It: Illuminating a Path towards Holistic Health.
Ang naturang learning series ay magiging interactive dahil ang Sun Life FB followers ay pwedeng mag-participate sa bite-sized content na Mind Your Health, na nagpo-promote ng holistic wellness at mental health.
Meron ding digital promo kung saan maaaring magwagi ng wellness items.