Fajardo

Maximum tolerance ipatutupad ng PNP sa mga magpoprotesta

185 Views

MAGPAPATUPAD ang Philippine National Police (PNP) ng maximum tolerance sa mga magsasagawa ng kilos-protesta sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 24.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo mayroong mga naghain ng aplikasyon sa Quezon City government upang makapagsagawa ng rally sa araw ng SONA.

Magpapakalat umano ng tauhan ang mga PNP upang tiyakin na ang mga magrarally ay mananatili sa lugar kung saan sila pinayagang magpahayag ng kanilang saloobin.

Ang PNP ay magpapakalat ng kabuuang 25,000 sa buong Metro Manila.