Madrona

May-ari ng Aleson Shipping dapat kasuhan–Rep. Madrona

Mar Rodriguez Feb 17, 2026
303 Views

IGINIGIIT ni Romblon Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona na dapat lang papanagutin at kasuhan ang may-ari ng Aleson Shipping Lines bunsod ng paglubog ng barko nitong M/V Trisha Kerstin 3 sa Basilan na ikinasawi ng 52 pasahero.

Paulit-ulit na lamang ang mga paglubog ng mga passenger vessel kung saan sa kalaunan ay matutuklasan na nagkaroon ng pagkakamali sa panig ng may-ari ng barko, ayon kay Madrona.

Nararapat lamang na masampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang mga may-ari ng barko dahil sa kapabayaan na mapangalagaan ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Sinabi ni Madrona hindi siya nagkamali ng hinala na maaaring nagkaroon ng overloading ng mga pasahero na sanhi ng paglubog ng M/V Kerstin batay sa resulta ng isinagawang imbestigasyon.