Bag

May-ari ng bag na naiwan sa airport natuwa sa mga nagsoling SSOs

Jun I Legaspi May 14, 2026
58 Views

NAIBALIK ang sling bag na naiwan ng pasahero patungong Maynila sakay ng AirAsia sa Caticlan Airport noong Mayo 13 sa tulong ng mga Security Screening Officers (SSOs) ng Office for Transportation Security (OTS).

Habang nasa screening duties, natuklasan ni SSO Jean Belarmino ang sling bag na nawan sa output roller ng X-ray machine kaya iniulat niya sa Checkpoint Supervisor na si Relna Dela Cruz.

Nakipag-ugnayan sa mga awtoridad ng paliparan ang SSO upang magsagawa ng public announcement para hanapin ang may-ari.

Makalipas ang ilang sandali, isang pasahero ang nagtanong tungkol sa kanyang nawawalang bag sa mga tauhan ng OTS.

Sa pamamagitan ng standard ownership verification procedures, nakumpirma na siya ang tunay na may-ari at agad na naibalik ang bag nang buo.

Nagpasalamat ang pasahero kina Belarmino dahil sa kanilang katapatan.

Ang insidente ay patunay ng patuloy na pangako ng ahensya na panatilihin ang integridad at kahusayan sa paglilingkod publiko alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.