Bala

May ari ng restoran, patay sa ambush

Edd Reyes Nov 13, 2025
526 Views

TINADTAD ng bala ng hindi pa kilalang salarin ang may-ari ng isang restaurant Miyerkules ng gabi sa Sariaya, lalawigan ng Quezon.

Dedo kaagad ang 53-anyos na nagosyanteng si alyas “Rosidillo” sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang nagsasagawa na ng follow-up operation ang pinagsanib na puwersa ng Tayabas Police Station, Lucena City Police Station, at Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC) para sa agarang ikadarakip ng salarin.

Sa ulat ng Sariaya Municipal Police Station, nasa loob ng kanyang restaurant ang biktima nang biglang pumasok ang hindi pa kilalang suspek dakong alas-9:20 ng gabi at sa hindi pa batid na dahilan ay pinaulanan ng bala ang negosyante.

Masusi pang inaalam ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaslang at inaalam na rin kung may mga nakakabit na CCTV sa loob at labas ng establisimiento na makakatulong para makilala ang salarin.