RIT

May ari ng tindahan inambush ng RIT, dedbol

24 Views

TIGOK ang babaeng may-ari ng tindahan matapos ratratin ng nakatakas na riding-in-tandem (RIT) sa JP Rizal St., Rizal Technopark, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal noong Linggo.

Ayon sa mga pulis, naka-itim na helmet, jersey at maong ang backride na umupak sa biktimang si alyas Ana, 55, at naka-itim na helmet at long-sleeves naman ang rider.

Base sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar ng biglang sumulpot ang mga suspek at pagbabarilin ang biktima.

Tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril at isinugod ang duguang biktima sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival.