Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Bangkay

May bangkay sa ilalim ng tulay, amoy alak pa

327 Views

ISANG lalaki ang natagpuang patay sa ilalim ng tulay sa Brgy. Calo, Lobo, Batangas noong Sabado.

Ayon sa report, amoy alak pa ang bangkay ni alyas Alvin, 35, nang matagpuan.

Isang tawag sa cellphone ang natanggap ng isang pulis-Lobo at ine-report na may natagpuang patay na lalaki sa ilalim ng Biga bridge.

Base sa imbestigasyon, nakipag-inuman ang biktima kasama ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan sa Sitio Piit, Brgy. Calo, Lobo noong Mayo 22.

Umalis sa inuman ang biktima mga bandang alas-9:00 ng gabi at huling nakitang buhay na nakahiga sa ibabaw ng Biga bridge bandang alas-11:00 ng gabi.